Wednesday, January 25, 2017

#ProgresiBONG Barangay, Patuloy na iAALAy

#ProgresiBONG Barangay, Patuloy na iAALAy


Brgy. Don Jose, Lungsod ng Santa Rosa, Laguna - Pagkatapos ng Halalan noong nakaraang buwan ng Mayo taong kasalukuyan nagbukas naman ang bagong oportunidad sa kanyang political career na noo’y ang primyerong Barangay Councilor ng Brgy. Don Jose na sa kasalukuyan ay ang bagong Punong Barangay ng nabanggit na lugar, Siya ay si Barangay Chairman Irineo “Bong” Aala. Makaraang matagumpay namang nagwagi ang kanyang nakakatandang kapatid sa City Councilor Race noong nakaraaang Halalan ang dating Kapitan ng Brgy. Don Jose na sa kasalukuyan ay isa na sa mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod na si City Councilor Jose Joel Aala, ang itinalagang Committee Chairman ng Socila Welfare and Development. Na sa kanyang pag - akyat sa hanay ng Sangguniang Panglungsod humalili naman sa kanya ang kanyang nakababatang kapatid na si Kgg. Bong Aala upang punan ang  kanyang iniwang posisyon. Na noong Hunyo 30, 2016 si Kgg. Irineo “Bong” Aala Jr. ay opisyal na naitalaga bilang Punong Barangay ng Barangay Don Jose, Lungsod ng Santa Rosa, Laguna. Na magpahanggang sa kasalukuyan bilang Punong Barangay ang kanyang liderato ay tunay at subok na ng kanyang nasasakupan na kung saan ganap niyang naipatupad ang isang ProgresiBONG Barangay na patuloy na iAALAy na may layuning ipagpatuloy at pag - ibayuhin ang mga programang pambarangay na nakatuon sa limang aspeto ng pamamahala: Ang Good Governance, Administration, Social Services, Economic Development at Environmental Management.

Si Punong Barangay Bong Aala ay kilala sa pagiging aktibo mula sa kanyang kabataan mula sa akademiya na kung saan siya ay nagtapos ng kanyang Sekondarya sa Rizal Institute Don Bosco, nagtapos naman ng kanyang kolehiyo sa University of Perpetual Help Binan sa Kursong Physical Therapy at  sa kanyang paglalakbay sa larangan ng politika siya ay nagsimula bilang pangulo ng Don Jose Achievers Club, Naging SK Chairman taong 1996 - 2002, Naitalaga bilang Barangay Administrator noong 2002 - 2007 at nahalal naman bilang pangalawang  Barangay Kagawad sa kauna - unahang pagkakataon noong  2007 - 2010, Dahil sa kanyang sipag at talino napatunayan ng kanyang mga kabarangay ang kanyang kakayahan. Na kung saan Siya ay pinagkatiwalaan bilang consistent No. 1 Barangay Kagawad sa kanyang sunod - sunod na mga termino mula 2010 - 2013 at 2013 - 2016.  Ilan naman sa mga umukit at tumatak sa pangalang Bong Aala, siya ay naging pangulo ng Association of Barangay Kagawad dito sa Lungsod ng Santa Rosa at ilan pang mga prestihiyosong samahan. Siya ay ipinanganak noong Abril 6, 1976 bunsong anak nina Irineo O. Aala Sr. at Catalina L. Aala. Ang kanyang maybahay ay si Irene Manera Aala at tatlong mga supling na sina Julius Vincent, Baron James at Neiron Christian. Na sa kanyang mga adbokasiya at plataporma kanyang iginiit na, “ Anumang pagbabago ang ating ninanais kailangan ito ay magsimula muna sa ating mga sarili na katulad ng pamumuno ng aking kapatid, akin ding ipagpapatuloy ang kanyang kabutihan dito sa nayon ng Brgy. Don Jose na halos hitik sa mga programa at mga proyekto. Kung kaya’t mula sa aking puso aking ilalatag at buong pusong ihahandog sa aking mga kabarangay dito sa buong Barangay ng Don Jose, Ang isang tapat na Panunungkulan at ang pagiging sensitibo sa bawat hinaing ng mga nangangailangan.”



Sa unang larawan makikita ang ilang sulyap bago ang nalalapit na oras ng pinakaunang State of Barangay Address ni Barangay Captain Irineo Bong Alaa Jr., Na kung saan mula sa kaliwa makikita ang ilang opisyal ng Barangay na sina Kgg. Roderick L. Aala, Kgg. Eladio Gomez, Barangay Treasurer na si Eufrocina Gicos sinundan ito ni Barangay Captain Irineo “Bong” Aala, Jr., Brgy. Secretary Ms. Aileen S. Ortilla, Kgg. Ariel Soliven at Kgg. Jun - jun Natividad. Samantalang ang sumunod na larawan ay kuha pagkatapos ng pagliwat ng ulat ni Barangay Captain Bong Aala kasama ang mga kawani ng DILG Santa Rosa na pinangunahan ni Ms. Malou Biojon Tamayo bilang kinatawan ng DILG Santa Rosa , Ms. Minette Alfonso at Ms. Vangie. Ang mga larawan ay kuha sa ginanap na State of Barangay Address ng Brgy. Don Jose sa Pangunguna ni Barangay Captain Irineo “Bong” Aala, Jr. na ginanap noong nakaraang ika - 7 Oktobre 2016. Larawan at Kapsyon ni Reyland Lopez

Brgy. Don Jose, Lungsod ng Santa Rosa, Laguna - Bagong hamon para sa kanyang buhay, mga darating pang kabanata na kung saan ay magpapabago sa kanyang mundo. Ilan lamang ito sa mga angulo na maaring magpabago sa mga pananaw ni Barangay Captain Irineo ‘Bong’ Aala, Jr. ng Brgy. Don Jose. Na sa kanyang pag - upo bilang Punong Barangay ay lubos niyang nasilayan kung ano ang landasin ng isang lingkod bayan, kung kaya’t sa kanyang panunungkulan ng ilang buwan pa lamang. Si Barangay Captain Bong Aala ay samo’t saring programa at proyekto na ang matagumpay niyang inilunsad kasama ang kanyang Sangguniang Barangay, Dahil dito ang kanyang administrasyon ay umani ng papuri dulot ng kanilang  mga matagumpay na gawain na nasasaksihan naman ng kanyang buong nasasakupan. Marami ding nagsasabi na ang pagmamahal ng dating Kapitan Joel Aala na sa ngayon ay isa na sa konseho ng lungsod ay hindi rin nawala, sapagkat sa pamamagitan ni Barangay Captain Bong Aala ito ay nagpapatuloy para sa mamamayan ng nabanggit nabarangay.
Na kamakailan lamang ang Sangguniang Barangay ng Brgy.Don Jose sa pangunguna ni Barangay Captain Irineo “Bong” Aala, Jr. ay nagsagawa ng State of Barangay Address bilang kanyang pinakaunang ulat na ginanap noong ika - 7 ng Oktobre 2016 sa mismong barangay hall ng nasabing barangay. Sa pagbigay ulat naman ng Punong Barangay kanyang ipinahayag na kung anuman ang mga programa at proyekto na kanyang ipinagpatuloy mula sa kanyang nakakatandang kapatid ang dating Barangay Captain Joel Aala na ngayon ay isa na sa mga Konseho ng Lungsod. Ito ay para sa kabutihan at kapakinabangan ng buong maamamayan ng Don. Jose. Na ayon pa sa pambungad na mensahe ni Barangay Captain Bong Aala, “Ngayon po ay ang aking Unang ulat sa Nayon o State of Barangay Address na kung saan atin pong iuulat kung ano po ang kalagayan at estado ng ating barangay na kung saan tayo po ay almost 100 days ng nanunungkulan bilang inyong Punong Barangay. At hindi naman lingid sa inyong kaalaman na tayo po ay kakapanumpa lamang noong June 30 taong kasalukuyan, kaya lahat po ng mga proyekto at mga programa na iniwan po ng ating mahal na kapitan na sa ngayon ay si Konsehal Joel Aala. Ito po ay ating ipagpapatuloy at ito po ay atin pang dagdagan ng mga programa, na sa mga programang iniwan ng aking kapatid alam ko na ang lahat ay para sa inyong kabutihan at kapakinabangan. Kung kaya’t siya’y ating iniluklok bilang isa sa ating Konsehal ng Lungsod.”

Sa pormal na pag - uulat ni Barangay Captain Irineo “Bong” Aala, Jr. kanya namang inilahad ang buong perspektibo, katungkulan at pamamahala na nag - uugnay sa pagiging isang opisyal ng barangay. At ito ang mga pahayag ng Punong Barangay, “Isang mapagpalang pagbati, ikinalulugod ko pong ilahad ang ulat sa barangay 2016 na kung saan napapaloob dito ang kalagayan ng Brgy. Don Jose sa anim na aspetong pamamahala, mga sistema at pamamaraan, pampangasiwaan o (Administrative System o Procedures), Mga Serbisyong lehislatibo o (Legislative Services), lawak ng pakikilahok ng komunidad(Extent of Community Participation), Sebisyong Panlipunan (Social Services), Kaunlarang Pang - ekonomiya (Economic Development) at Pamamahala ng Kapaligran (Enviromental Management). Ang ulat na ito ang magsisilbing batayan ng pagbalangkas ng mga programa at proyekto na higit na tutugon sa pangangailangan ng ating barangay. At ito’y maisasakatuparan sa pamamagitan pagbuo ng isang barangay agenda batay sa ating ulat sa barangay, Na magiging daan naman natin sa pagkakaroon ng Barangay Development Plan. Layun din ng ulat na ito ang ipabatid ang pangangailangan ng ating barangay sa lahat ng kinauukulan para sa nararapat na pakikipag - ugnayan at kooperasyon, tulad ng National Government Agencies, Mga mataas na Local Government Units, Bayan, Lungsod, Lalawigan at mga pribadong sector at iba pa. Ngunit higit sa lahat layun din ng ulat na ito ang ipabatid sa ating mga kabarangay, ang tunayna kalagayan ng ating barangay para sa kanilang kabahagian at pakikipagtulungan. Gayon din nais kong ipaabot sa kagawaran ng Interyor ng pamahalaang lokal o DILG ang taos pusong pasasalamat sa paglunsad ng Barangay Governance Performance Management Sysem o BGPMS na siyang nagsilbing daan sa pagkakaroon ng ulat sa barangay.”