Wednesday, January 25, 2017
Brgy. Don Jose, Lungsod ng Santa Rosa, Laguna -
Pagkatapos ng Halalan noong nakaraang buwan ng Mayo taong kasalukuyan nagbukas
naman ang bagong oportunidad sa kanyang political career na noo’y ang
primyerong Barangay Councilor ng Brgy. Don Jose na sa kasalukuyan ay ang bagong
Punong Barangay ng nabanggit na lugar, Siya ay si Barangay Chairman Irineo
“Bong” Aala. Makaraang matagumpay namang nagwagi ang kanyang nakakatandang
kapatid sa City Councilor Race noong nakaraaang Halalan ang dating Kapitan ng Brgy.
Don Jose na sa kasalukuyan ay isa na sa mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod
na si City Councilor Jose Joel Aala, ang itinalagang Committee Chairman ng
Socila Welfare and Development. Na sa kanyang pag - akyat sa hanay ng
Sangguniang Panglungsod humalili naman sa kanya ang kanyang nakababatang
kapatid na si Kgg. Bong Aala upang punan ang
kanyang iniwang posisyon. Na noong Hunyo 30, 2016 si Kgg. Irineo “Bong”
Aala Jr. ay opisyal na naitalaga bilang Punong Barangay ng Barangay Don Jose,
Lungsod ng Santa Rosa, Laguna. Na magpahanggang sa kasalukuyan bilang Punong
Barangay ang kanyang liderato ay tunay at subok na ng kanyang nasasakupan na
kung saan ganap niyang naipatupad ang isang ProgresiBONG Barangay na patuloy na
iAALAy na may layuning ipagpatuloy at pag - ibayuhin ang mga programang
pambarangay na nakatuon sa limang aspeto ng pamamahala: Ang Good Governance,
Administration, Social Services, Economic Development at Environmental
Management.
Si Punong Barangay Bong Aala ay kilala sa pagiging
aktibo mula sa kanyang kabataan mula sa akademiya na kung saan siya ay nagtapos
ng kanyang Sekondarya sa Rizal Institute Don Bosco, nagtapos naman ng kanyang
kolehiyo sa University of Perpetual Help Binan sa Kursong Physical Therapy at sa kanyang paglalakbay sa larangan ng
politika siya ay nagsimula bilang pangulo ng Don Jose Achievers Club, Naging SK
Chairman taong 1996 - 2002, Naitalaga bilang Barangay Administrator noong 2002
- 2007 at nahalal naman bilang pangalawang
Barangay Kagawad sa kauna - unahang pagkakataon noong 2007 - 2010, Dahil sa kanyang sipag at talino
napatunayan ng kanyang mga kabarangay ang kanyang kakayahan. Na kung saan Siya
ay pinagkatiwalaan bilang consistent No. 1 Barangay Kagawad sa kanyang sunod -
sunod na mga termino mula 2010 - 2013 at 2013 - 2016. Ilan naman sa mga umukit at tumatak sa
pangalang Bong Aala, siya ay naging pangulo ng Association of Barangay Kagawad
dito sa Lungsod ng Santa Rosa at ilan pang mga prestihiyosong samahan. Siya ay
ipinanganak noong Abril 6, 1976 bunsong anak nina Irineo O. Aala Sr. at
Catalina L. Aala. Ang kanyang maybahay ay si Irene Manera Aala at tatlong mga
supling na sina Julius Vincent, Baron James at Neiron Christian. Na sa kanyang
mga adbokasiya at plataporma kanyang iginiit na, “ Anumang pagbabago ang ating
ninanais kailangan ito ay magsimula muna sa ating mga sarili na katulad ng
pamumuno ng aking kapatid, akin ding ipagpapatuloy ang kanyang kabutihan dito
sa nayon ng Brgy. Don Jose na halos hitik sa mga programa at mga proyekto. Kung
kaya’t mula sa aking puso aking ilalatag at buong pusong ihahandog sa aking mga
kabarangay dito sa buong Barangay ng Don Jose, Ang isang tapat na Panunungkulan
at ang pagiging sensitibo sa bawat hinaing ng mga nangangailangan.”
Sa
unang larawan makikita ang ilang sulyap bago ang nalalapit na oras ng
pinakaunang State of Barangay Address ni Barangay Captain Irineo Bong Alaa Jr.,
Na kung saan mula sa kaliwa makikita ang ilang opisyal ng Barangay na sina Kgg.
Roderick L. Aala, Kgg. Eladio Gomez, Barangay Treasurer na si Eufrocina Gicos
sinundan ito ni Barangay Captain Irineo “Bong” Aala, Jr., Brgy. Secretary Ms.
Aileen S. Ortilla, Kgg. Ariel Soliven at Kgg. Jun - jun Natividad. Samantalang
ang sumunod na larawan ay kuha pagkatapos ng pagliwat ng ulat ni Barangay
Captain Bong Aala kasama ang mga kawani ng DILG Santa Rosa na pinangunahan ni
Ms. Malou Biojon Tamayo bilang kinatawan ng DILG Santa Rosa , Ms. Minette
Alfonso at Ms. Vangie. Ang mga larawan ay kuha sa ginanap na State of Barangay
Address ng Brgy. Don Jose sa Pangunguna ni Barangay Captain Irineo “Bong” Aala,
Jr. na ginanap noong nakaraang ika - 7 Oktobre 2016. Larawan at Kapsyon ni Reyland
Lopez
Brgy. Don Jose, Lungsod ng Santa
Rosa, Laguna - Bagong hamon para sa kanyang buhay, mga darating pang kabanata
na kung saan ay magpapabago sa kanyang mundo. Ilan lamang ito sa mga angulo na
maaring magpabago sa mga pananaw ni Barangay Captain Irineo ‘Bong’ Aala, Jr. ng
Brgy. Don Jose. Na sa kanyang pag - upo bilang Punong Barangay ay lubos niyang
nasilayan kung ano ang landasin ng isang lingkod bayan, kung kaya’t sa kanyang
panunungkulan ng ilang buwan pa lamang. Si Barangay Captain Bong Aala ay samo’t
saring programa at proyekto na ang matagumpay niyang inilunsad kasama ang
kanyang Sangguniang Barangay, Dahil dito ang kanyang administrasyon ay umani ng
papuri dulot ng kanilang mga matagumpay
na gawain na nasasaksihan naman ng kanyang buong nasasakupan. Marami ding
nagsasabi na ang pagmamahal ng dating Kapitan Joel Aala na sa ngayon ay isa na
sa konseho ng lungsod ay hindi rin nawala, sapagkat sa pamamagitan ni Barangay
Captain Bong Aala ito ay nagpapatuloy para sa mamamayan ng nabanggit nabarangay.
Na kamakailan lamang ang
Sangguniang Barangay ng Brgy.Don Jose sa pangunguna ni Barangay Captain Irineo
“Bong” Aala, Jr. ay nagsagawa ng State of Barangay Address bilang kanyang
pinakaunang ulat na ginanap noong ika - 7 ng Oktobre 2016 sa mismong barangay
hall ng nasabing barangay. Sa pagbigay ulat naman ng Punong Barangay kanyang
ipinahayag na kung anuman ang mga programa at proyekto na kanyang ipinagpatuloy
mula sa kanyang nakakatandang kapatid ang dating Barangay Captain Joel Aala na
ngayon ay isa na sa mga Konseho ng Lungsod. Ito ay para sa kabutihan at
kapakinabangan ng buong maamamayan ng Don. Jose. Na ayon pa sa pambungad na
mensahe ni Barangay Captain Bong Aala, “Ngayon po ay ang aking Unang ulat sa
Nayon o State of Barangay Address na kung saan atin pong iuulat kung ano po ang
kalagayan at estado ng ating barangay na kung saan tayo po ay almost 100 days
ng nanunungkulan bilang inyong Punong Barangay. At hindi naman lingid sa inyong
kaalaman na tayo po ay kakapanumpa lamang noong June 30 taong kasalukuyan, kaya
lahat po ng mga proyekto at mga programa na iniwan po ng ating mahal na kapitan
na sa ngayon ay si Konsehal Joel Aala. Ito po ay ating ipagpapatuloy at ito po
ay atin pang dagdagan ng mga programa, na sa mga programang iniwan ng aking kapatid
alam ko na ang lahat ay para sa inyong kabutihan at kapakinabangan. Kung kaya’t
siya’y ating iniluklok bilang isa sa ating Konsehal ng Lungsod.”
Sa pormal na pag - uulat ni
Barangay Captain Irineo “Bong” Aala, Jr. kanya namang inilahad ang buong perspektibo,
katungkulan at pamamahala na nag - uugnay sa pagiging isang opisyal ng
barangay. At ito ang mga pahayag ng Punong Barangay, “Isang mapagpalang
pagbati, ikinalulugod ko pong ilahad ang ulat sa barangay 2016 na kung saan
napapaloob dito ang kalagayan ng Brgy. Don Jose sa anim na aspetong pamamahala,
mga sistema at pamamaraan, pampangasiwaan o (Administrative System o
Procedures), Mga Serbisyong lehislatibo o (Legislative Services), lawak ng
pakikilahok ng komunidad(Extent of Community Participation), Sebisyong
Panlipunan (Social Services), Kaunlarang Pang - ekonomiya (Economic
Development) at Pamamahala ng Kapaligran (Enviromental Management). Ang ulat na
ito ang magsisilbing batayan ng pagbalangkas ng mga programa at proyekto na
higit na tutugon sa pangangailangan ng ating barangay. At ito’y
maisasakatuparan sa pamamagitan pagbuo ng isang barangay agenda batay sa ating
ulat sa barangay, Na magiging daan naman natin sa pagkakaroon ng Barangay
Development Plan. Layun din ng ulat na ito ang ipabatid ang pangangailangan ng
ating barangay sa lahat ng kinauukulan para sa nararapat na pakikipag - ugnayan
at kooperasyon, tulad ng National Government Agencies, Mga mataas na Local
Government Units, Bayan, Lungsod, Lalawigan at mga pribadong sector at iba pa.
Ngunit higit sa lahat layun din ng ulat na ito ang ipabatid sa ating mga
kabarangay, ang tunayna kalagayan ng ating barangay para sa kanilang kabahagian
at pakikipagtulungan. Gayon din nais kong ipaabot sa kagawaran ng Interyor ng
pamahalaang lokal o DILG ang taos pusong pasasalamat sa paglunsad ng Barangay
Governance Performance Management Sysem o BGPMS na siyang nagsilbing daan sa
pagkakaroon ng ulat sa barangay.”
Subscribe to:
Posts (Atom)